Tuesday, June 26, 2012

Ang Paghaharap nila Gardo at Theo sa Pagtatapos ng Valiente

 

Gardo at Theo, maghaharap sa pagtatapos ng Valiente

clip_image002

Mas tumitinding rebelasyon, mapangahas na eksena at paglantad ng katotohanan ang babalot sa huling linggo ng Valiente sa TV5. Sa rurok ng mga kaganapan sa San Rafael, isa pang rebelasyon ang magpapaigting sa buhay ng mga pamilyang Braganza at Valiente. Saksihan ang muling lumalalim na ugnayan sa pagitan nina Gardo Valiente (JC De Vera) at Maila Braganza (Nadine Samonte) na muling masusubok dulot ng pagtuligsa ni Mila Regalado-Arden (Lorna Tolentino). Ano kaya ang katotohanan sa likod ng pagkatao nina Maila at Mila Regalado-Arden. Ano ang kanilang lihim na istorya?

Samantala, manaig pa kaya ang kapatawaran sa mag-amang Damian Valiente (Michael De Mesa) at Gardo at sa mag-inang Donya Trining Braganza (Jaclyn Jose) at Theo (Oyo Sotto)? Paano kaya nila tatalikuran ang mga nakalipas na panahon? Abangan din ang pagbabalik ni Leona Braganza (Nina Jose) pati na ang mga gagawin niya alang-alang sa pag-ibig niya kay Gardo. Hanggang saan ang kayang isakripisyo ng isang taong nagmamahal ng lubusan?

Huwag palalampasin ang pagiging tuso ni Donya Trining na siyang magbabadya ng napipintong paghaharap nina Gardo at Theo. Sa kasaysayan ng galit at paghihiganti sa pagitan ng dalawa, isang bala ang magtutuldok sa lahat. Sino kaya ang mananatiling matibay? Ano ang kahahantungan ni Gardo Valiente? Ito na ba ang katapusan ni Donya Trining Braganza?

Abangan ang mas umiinit na tagpo at ang pinakaaabangang paghaharap nina Gardo Valiente at Theo Braganza sa huling linggo ng Valiente, pagkatapos ng Wil Time BigTime sa TV5.

1 comment:

  1. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete